Search
  • No Problem

Lalo na kung marami kang inaanak, besh! TIPS PARA MAKATIPID SA PAGBILI NG REGALO NGAYONG PASKO

MARAMI ka bang gustong regaluhan ngayong darating na Pasko, besh? Tamang-tama dahil heto ang ilang tips upang makatipid kayo sa pagbili ng mga regalo.

1. BE HONEST. ‘Ika nga, honesty is the best policy, kaya kung wala kang budget para makabili ng mamahaling regalo, be honest, beshy! Okie?

2. DRAW NAMES. Mainam na maglista na ng pangalan ng mga taong reregaluhan nang sa gayun ay maba-budget mo na kung magkano ang kailangan mo para sa darating na kapaskuhan.

3. BUY AND GIVE IN BULK. ‘Ika nga, it’s the thought that counts, kaya oks lang kung mumurahin ang regalo ninyo, mga beshy, basta ito ay galing sa puso, puwede namang gumawa ng gimik para mas bonggang tingnan, ‘di ba? He-he-he!

4. ENJOY TOGETHERNESS. Masaya ang Pasko kung sama-sama tayo, kaya kahit na dehins bet ang natanggap na regalo ay ayos na basta kasama ang pamilya.

5. REUSED. Kung may mga paper bag, magazine o giftwrapper kayo sa bahay, puwede ninyo itong gamitin na pambalot. Dehins na kayo gumastos, nakapagbalot pa kayo.

Kaya para sa mga beshy nating problemado ngayong darating na kapaskuhan, don’t worry and be happy!

Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.