Iskul nasunog, 10 estudyante dedbol
- Joy Repol Asis
- Nov 15, 2018
- 1 min read
INATAKE ang dormitoryo ng St. Bernard Secondary School sa Rakai, Uganda.
Sinasabing, nagsimula ang sunog noong Lunes ng umaga sa naturang eskuwelahan.
Batay sa ulat, sampung estudyante ang nasawi habang labindalawa ang nagtamo ng mga sugat na kasalukuyan nang nagpapagaling sa ospital.
Na-locked umano ang pinto ng mga dorm dahilan ng pagka-trap ng ilang estudyante sa kanilang mga silid.
Samantala, tatlong indibidwal kasama ang guwardiya ng paaralan ang inaresto.





Comments