Search
  • BULGAR

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 15, 2018 (Huwebes)

Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 15, 2018 (Huwebes): Kung ano ang maganda, ‘yun ang para sa iyo. Ma­ging sa kapalaran, kung ano ang ikagaganda ng buhay mo, ‘yun ang ibi­bigay sa iyo ng langit.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magsawa sa magagandang biyayang napasasaiyo, ma­inam kung iipunin mo ang mga ito. Huwag mo itong ipamigay nang basta-basta lang sa mga hindi naman nararapat na mag­karoon ng mga ito. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-25-39-41-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sumisilip sa iyo ang na­pa­kalaking su­werte. Hinihintay nito na alisin mo ang mga negati­bong bagay sa isip mo. Ka­pag nawala na ang mga ito, ang lahat ng buwenas ay da­rapo na sa buhay mo. Ma­suwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-21-24-33-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Kung saan ka masaya, roon ka! Bakit mo pi­piliin ang puwedeng mag­bigay sa iyo ng kalung­ku­tan? Muli, kung saan ka masaya, roon ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-28-30-36-42-44.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo nang dahil lang sa pinipintasan ka ng mga nasa paligid mo. Hayaan mo silang mahi­ra­pan sa kapipintas sa iyo. Ituloy mo lang ang gina­gawa mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-16-23-31-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lu­malago ang mga halaman ka­pag natatalbu­san. Kaya ang mga nan­daraya sa iyo ay magsisisi sa huli dahil mas lalo ka pang bubuwenasin. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-15-21-24-33-45-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magtanong ka kapag may hindi ka alam. Tumatalino ang tao dahil sa pagtatanong. Muli, magtanong ka at huwag kang mahiya. Ito ang men­sahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng ku­lay-yellow. Tips sa lotto-6-7-14-15-23-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka mang­­hihina­yang sa pag­haha­nap ng mga suwerte mo dahil ma­kaaasa ka na ang la­ngit mismo ang ga­gawa ng paraan upang ma­yakap mo ang mga ito. Masuwer­teng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-6-17-29-30-35-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hayaan mo lang ang kulang. Hu­wag kang maghangad ng kumpleto. Sa ganito, mas pagpapalain ka ng nasa itaas. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-5-11-18-23-39-42.

SAGITTARI­US (Nov. 22-Dec. 21) - Ma­raming susu­porta sa iyo. Rito sa mundo, nanini­wala tayo na mas masaya kapag marami ang nag­kakaisa. Masuwerteng ku­lay-biege. Tips sa lotto-9-10-14-17-20-22.

CAPRICORN (Dec. 22 - Jan. 19) - Lalo pang guma­ganda ang kapala­ran mo, kaya lalo ring duma­rami ang naiinggit sa iyo. Kaya mas ma­gan­dang pi­liin ang buhay na mara­ming na­iinggit. Ma­su­werteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-11-19-21-29-30-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit ka nahihirapang mamili sa mga nasa ha­rapan mong maga­gan­dang oportunidad? Lahat ng ito ay maganda kaya kung anuman ang pipiliin mo sa mga ito, ti­yak na gaganda ang bu­hay mo. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-3-12-25-31-34-48.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang kaloob sa iyo ng langit, tang­­gapin mo ito nang ma­lu­wag sa iyong puso. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-18-22-25-31-34-40.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.