Bangkay ng lolo sa palaisdaan
Pabs Hernandez III
Nov 15, 2018
1 min read
LEYTE—Isang bangkay ng 76-anyos na lolo ang natagpuang nakalutang sa palaisdaan, kamakalawa sa Bgy. Balud, Capoocan, sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Calixto Bañez, nakatira sa nabanggit na bayan.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa nakalutang na bangkay ng biktima sa nasabing palaisdaan.
Iniimbestigahan na ng pulisya kung may naganap na foul play o aksidenteng nahulog at nalunod ang biktima sa naturang palaisdaan.





Comments