Utol ni Mega, inendorso sa Pasay, kalaban ikinampanya rin… SHARON, BIGLANG TINABLA NI SARA DUTERTE


WE received a text message from Teresa Sta. Catalina ng Teresa, Rizal. Tanong niya sa amin, “Ma’m Len, ano kaya ang reaction ni Megastar Sharon Cuneta sa pag-eendorso ni Sara Duterte sa isang kaibigan niya para tumakbong mayor ng Pasay City? ‘Di ba, inendorso na rin ni Sara ‘yung kapatid ni Mega na si Chet Cuneta for same position earlier?
“Pangalawa, ano rin po kaya ang reaksiyon niya sa pagtawag ni Pangulong Duterte na “dumb” kay Senator Kiko dahil ito ang author ng law kung saan ini-spare sa punishment ang mga kabataang gumawa ng labag sa batas?
“Alam naming friend ni Shawie ang mag-amang Duterte, so ano kaya ang reaction niya sa mga recent developments na ito? — Teresa Sta. Catalina”
Sa pagkakaalam namin, sinagot na ni Kiko ang statement ng pangulo laban sa kanya. Ang kay Kiko naman ay dapat daw pagtuunan ng pangulo ang problema hindi ‘yung pagki-criticize sa kalaban.
Kayang-kaya rin ng senador na ipagtanggol ang sarili. No need for Mega to defend or protect him.





Comments