Search
  • BULGAR

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 14, 2018 (Miyerku­les)

Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 14, 2018 (Miyerku­les): Taglay mo ang ka­kayahang paramihin ang gusto mong duma­mi. Kaya wala kang kat­wiran na hindi ka yaya­man.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maghinay-hinay ka lang dahil kahit anong bilis ng sa­sakyan ay magmemenor ka rin sa delikadong daan. Nahaharap ka sa maraming kontrabida kaya muli, magdahan-dahan at mag-isip ka muna. Masuwerteng ku­lay-violet. Tips sa lotto-9-19-20-25-34-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tangga­pin mo ang ibibigay na puhunan sa iyo. Ngayon na ang tamang panahon para makipagsapalaran ka sa mundo ng komer­siyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-19-23-39-41-43-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon ang araw kung kailan mo dapat gawin ang gusto mo na noon ay hindi mo magawa dahil hinihintay mo pa ang tamang panahon. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-6-9-11-17-23-40.

CANCER (June 21- July 22) - Magugu­lat ka sa sarili mo dahil big­lang mawawala ang iyong pagiging mahiyain at ang isa pang ikamamangha mo ay magagawa mo na ang akala mong hindi mo kakayanin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-22-31-35-40-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Itaya mo ang iyong kapala­ran at ikaw ay mananalo. Magtiwala ka lang sa takbo ng iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-6-11-14-21-30-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Minsan, ma­pagbiro ang ka­palaran. Ito ang sasabihin mo kapag ang ayaw mo ay napasa­iyo. Tanggapin mo na lang ito nang maluwag sa iyong puso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-25-31-33-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ka, ‘yun ang iyong ipakita. Sa ga­nito, hindi ka magsisisi at ang mahahanap mo ay ang talagang para sa iyo. Sa pagkukunwari, walang magandang patutu­ngu­han ang tao. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-9-13-16-22-24.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang iyong iti­na­nim, ‘yun ang iyong aanihin. Kaya magtanim ka ngayon para sa iyong kinabukasan. Ala­gaan mo ito at ingatan nang sa gayun ay umani ka ng ma­­tatamis na bunga ng iyong pagsisikap. Ma­su­werteng kulay-purple. Tips sa lott­o-17-20-28-33-38-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maaabot mo ang mataas na puwesto da­hil ikaw ay itinalaga sa ma­taas na ranggo, kaya lang, dapat mong matanggap na kailangang sa ibaba ka muna magsimula. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-15-29-30-31.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Tumingin-tingin ka sa iyong paligid dahil ang mga suwerte mo ay malapit lang sa iyo. Mali ang matagal mo nang ina­akala na ang magagan­dang kapalaran mo ay maha­hanap mo sa malalayong lugar. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-21-24-27-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kulang ka sa sigla kaya hindi guma­gan­­da ang kapalaran mo, simu­lan mo ng kumanta ng mag-isa, ‘yung kanta na mapa­pasayaw ka. Ito ang sikreto ng iyong kapa­laran. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-16-20-26-42-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang umiwas sa taong ayaw mo. Ka­pag ginawa mo ito, magu­gulat ka dahil sa kanya pala magmumula ang mailap mong mga suwerte sa bu­hay na noon mo pa gus­tong mayakap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-12-25-30-38-40.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.