Search
  • BULGAR

ACES, NAKABAWI!


NAITABLA ng Alaska Aces sa 1-1 ang serye matapos nilang pundihin ang Meralco, 100-95 kagabi sa 2018 Philippine Basketball Association, Governors Cup sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Nagtala si import Mike Harris ng 37 points at 19 rebounds para sa Aces.

Nakauna ang Alaska sa first half, hinawakan nila ang seven-point lead, 47-40.

Nanatili ang tikas ng Aces sa third period, nagtala ng 27-20 upang umalagwa sa 14 ang kanilang bentahe, 74-60 papasok ng fourth.

Samantala, ayaw ni Magnolia point guard Mark Barroca na maulit ang nangyari sa kanila ng nakaraang taong Philippine Cup semifinals.

Kaya naman nais niyang tapusin sa Game 3 ang Barangay Ginebra sa kanilang best-of-five semis.

“Mawawalan ng saysay ang 2-0 kung di mo matatapos ng tatlong panalo,” ani Barroca. “Dumaan kami dito last year. Dapat stay hungry kami at i-treat namin ang next game na do-or-die.”.

Noong 2017, lamang ang Hotshots ng 2-0 sa best-of-seven pero humarurot ng apat na sunod na panalo ang Gin Kings kaya masaklap ang kanilang pagkatalo.

“Alam naman natin pag nakatikim ng panalo ang Ginebra ay nagsusunod-sunod yan,” hayag ni Barroca. “‘Never Say Die’ nga sila diba?”

Isang hakbang na lang at sasampa na sa susunod na phase ang Pambansang Manok Magnolia, kaya inaasahang walang ibang nasa kukote nila kundi talunin ang GinKings ngayong alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Muling sasandalan ng Hotshots si import Romeo Travis, habang sa locals ay sina Barroca, Paul Lee, Justin Melton at Ian Sangalang.

Paniguradong ibabangga ng Ginebra sina reinforcement Justine Brownlee, Greg Slaughter, Japeth Aguilar, LA Tenorio at Scottie Thompson.

Samantala, ang pagtatalaga bilang interim head coach ng Gilas Pilipinas kay Yeng Guiao makaraang masuspinde si Chot Reyes ng FIBA ay dahil sa nangyaring gulo sa panig ng Pilipinas at Australia sa FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers noong Hulyo. Hinawakan ni Guiao ang pambansang koponan noong Asian Games sa Indonesia at noong nakaraang FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers hanggang sa naging permanente nang nakuha ni Guiao ang posisyon.

“He takes charge in the formation and training of the Gilas Pilipinas basketball team. His main responsibilities will be to lead Gilas to successfully compete against the other National teams during the 2019 FIBA World Cup Qualifying Tournament and to qualify for the 2019 FIBA World Cup. This appointment will be up to the 2019 FIBA World Cup in China,” wika ni SBP President Al Panlilio. (ATD)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.