Search
  • BULGAR

‘Ika nga nila, guard your heart, bro! LALAKING PINAPAYUHANG HUWAG MAGPAPALOKO SA MGA BABAE UPANG MAG

Maestro Honorio Ong

KATANUNGAN

  1. Kasalukuyan akong nasa Mauritus Island, isla sa ibaba ng Indian Ocean malapit sa Madagascar na dating colony ng British at nagtatrabaho ako rito bilang mekaniko ng eroplano.

  2. Pero, ngayon ay nag-a-apply ako sa Qatar airways para mas malaki ang maging suweldo ko. May tumu­tulong naman sa akin, ‘yung kaibigan ko at siya ang nagpupursige na mag-apply daw ako roon. Pangarap ko rin na makapag-mig­rate sa Germany o sa Canada.

  3. Sa ngayon, ‘yung papeles ng girlfriend ko papun­tang Canada ay naipasa na niya, pero balak pa niyang mag-apply sa Ireland. Matutupad kaya ang mga pangarap namin ng girlfriend ko? November 17, 1978 ang birthday ko.

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansing ikaw ay nagtataglay ng “square type hand” na tinawatag, isang mala-parisukat na hugis ng palad, malaman, may energy na kakaunti lang ang mga guhit. Ito ay malinaw na tanda na sa kasalukuyan ay higit na mas na­mamayani sa kapalaran mo ang “will power” o nagliliyab mong kagustuhan kaysa sa iba. Dahil dito, kung sadyang gugustuhin mo talagang makapanirahan sa ibang bansa, partikular na sa Germany o sa Canada, magagawa mo at makakaya mo ring gawing lumipat sa Qatar airways.

  2. Ang mga positibong pag-aanalisang nakalagay sa itaas ay madali namang kinumpirma ng napakaganda mong lagda na may korteng dolyar, gayundin ng malawak at mahabang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, ngayon pa lang ay nasasa­gap na ng unconscious mong isipan ang limpak-limpak na dolyar na kiki­tain mo sa ibayong-dagat.

  3. Gayunman, sa ka­bilang dako, dahil magka­sa­ma ng mahigit sa isang pulgada ang Life Line at Head Line (Dra­wing A. at B. L-L, H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, bilang paalala, da­pat ay mag-ingat ka sa mga manloloko na hihira­man ka ng malaking halaga ng pera at pagkatapos ay hindi ka naman babayaran. Ang pagsasama ng Life Line at Head Line (arrow b.) ng mahigit sa isang pulgada ay nagsasabi rin na ang iyong likas na kabaitan ay huwag na huwag mong paiiralin upang wala kang pagsisihan sa bandang huli, sa halip, tuluy-tuloy kang mag-ipon ng maraming pera para sa iyong kin­abukasan hanggang sa tuluyan ka nang yumaman.

DAPAT GAWIN

Mr. Mauritus, ayon sa iyong mga datos, sa susunod na taong 2019, basta huwag na huwag kang magpapaloko lalo na sa mga babae, tiyak ang magaganap, sa nasabing panahon sa edad mong 41 pataas, kusang matutupad ang lahat ng iyong mga pangarap, makalilipat ka na sa Qatar airways at lalo pang lalaki ang iyong suweldo hanggang sa bandang huli, kusa na ring maire-release ang papeles mo upang makapani­rahan ka na sa Germany o kaya sa Canada.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.