Search
  • Joy Repol Asis

Lalaki tinangay ng baha, dedo

NASAWI ang isang lalaki matapos ang malakas na pagbuhos ng ulan na nauwi sa flashfloods sa Kuwait.

Batay sa ulat, tinangay ng baha ang 30-anyos na biktima nang subukan itong sagipin ng kanyang pamilya.

Kasalukuyan pang inaalam ng awtoridad ang kabuuang bilang ng mga sugatan matapos ang ilang aksidente dahil sa masungit na panahon.

Tinangay umano ng baha ang ilang mga sasakyan sa naturang desert kingdom, partikular ang bagong residential areas.

Patuloy pa rin ang pagpapalikas sa mga residente na posibleng maapektuhan ng pagbaha kasabay ng paglunsad ng search operation ang Kuwaiti army.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.