top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kaya mas better daw kung puro mababango ang maaamoy mo, lodi! PANG-AMOY, NAKAAAPEKTO SA TAKBO NG PA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2018
2 min read

MADALAS ka bang mawala sa mood, beshy, pero dehins mo knows kung bakit? Naku, baka dahil ‘yan sa mga bagay na naaamoy mo. Ayon sa mga eksperto, ang iba’t ibang klase ng amoy umano ay nakaaapekto sa pag-uugali ng tao. Hala!

Totoong malaki ang sakop ng pang-amoy natin dahil halos lahat ng bagay ngayon ay may specific smell na tulad ng damit, sa­patos, pagkain, buhok at marami pang iba.

Kaya sa pag-aaral ng International Flavors and Fragrances, Inc. (IFF), natuklasan nila na ang certain aromas ay nakaaapekto sa mood ng tao sa pamamagitan ng eliciting muscle relaxing effect.

Ayon sa mga eksperto, dahil daw umano sa mga na­aamoy ng tao, mas nare-reduce nito ang stress ng bawat isa.

Gayundin, walang pinipili ang pag-aaral na ito dahil bata hanggang matanda ay involved dito.

Gayunman, may amoy na may espesi­pikong kahulugan, isa na rito ang flower scent na sumisimbolo sa positive dreams.

Samantala, sa siyentipikong pag-aaral, ang smell cells sa ilong ay nakakonekta sa ating limbic system, ang pinakamatandang parte ng ating utak na namamahala sa ating emosyon, ugali at memorya.

Kaya kung papansinin natin, sa tuwing tayo ay nakaaamoy ng mabango, nagka­karoon tayo ng magandang pag-uugali ha­bang kapag mabaho naman ang ating naa­amoy, nawawala tayo sa mood o kaya ay naba-badtrip tayo.

Dagdag pa rito, maging ang mga lini­­ment ay nakapagbibigay sa atin ng relaxa­tion lalo na ‘yung amoy na mint.

Kaya ang payo ng mga eksperto, kung sinusumpong tayo ng mood swings, ma­inam na gamitin ang sense of smell para mabalanse ito nang sa gayun ay hindi na ito pagmu­mulan ng gulo.

Oh, ayan, mga beshy, dehins naman pala tayo dapat mag-worry.

Basta always think positive. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page