Search
  • BULGAR

Ibinuking ni Vice… ZANJOE, INALALAYAN LANG NI MAJA NANG MAHILO, NAKA-SCORE AGAD

Len Ramos Llanes / ISKUP

Photo: Video captured

SA interview ni Vice Ganda kina Zanjoe Marudo at Maja Salvador who are paired in To Love Some Buddy, natanong ng TV host ang dalawa kung bakit they haven’t fall for one another.

Inamin ng mga ito na they are very close to one another pero hanggang friends lang daw talaga sila.

Lumabas din ang isang dahilan kung bakit they really tried not to fall with one another, of course, after having been prodded by Vice.

Sabi ni Maja, “Ano ito, palitan? Baka ‘yan ang sasabihin ng marami.”

Oo nga pala, naging mag-on sina Gerald Anderson at Maja, at ganu’n din naman sina Bea at Zanjoe.

Naikuwento ni Zanjoe kung paano niya naging best friend si Maja. Minsan daw kasi, nahilo siya at hindi siya pina­bayaan nito hanggang ‘di siya safe na nakasakay sa kanyang kotse.

Nagpatawa tuloy si Vice Ganda, “Sinaklolohan ka lang nu’ng nahilo ka, tapos best friend na kayo?”

Ayun! Hindi talaga napaamin ni Vice na nagkaroon ng feelings sa isa’t isa ang dalawa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.