Search
  • BULGAR

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 13, 2018 (Martes)

Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 13, 2018 (Martes): Huwag kang maniniwala sa mga pamahiin. Ang la­hat ay ni­likha nang naaayon sa ka­gus­tuhan ng Daki­lang Lu­mik­ha. Kaya hindi ka malas at nilikha ka na may ma­gandang kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong maging senti­mental. Ang na­karaan ay hindi na dapat binabalikan dahil mas ga­ganda ang iyong buhay kung nakapokus ka sa hi­na­ha­rap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-21-39-40-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kislap nang kis­lap ang ilaw sa parol. Ga­yun­din, ang iyong kapalaran dahil magbibigay ito ng mga suwerte sa iyo at hindi ito mauubos. Masu­werteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-29-31-36-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang hihinto kung maganda ang takbo ng iyong pinagka­kakitaan, ituloy mo lang ito. Hindi mo dapat sinasa­yang ang magagandang araw na nagdaratingan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-17-24-33-35.

CANCER (June 21- July 22) - Dagdag-ka­ala­man ang ka­ilangan mo da­hil habang lumalago ang iyong negosyo, dapat ay kumukuha ka rin ng mga bagong estilo nang sa ga­yun ay mas umunlad ka pa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-17-29-37-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang inila­gay mo sa iyong isip, makaa­apek­to ito sa iyong katawan. Ang nakagugulat dito ay may epekto rin ito sa takbo ng iyong kapalaran. Ma­buhay ka nang may positibong pa­nanaw at huwag kang maging negatibo. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-21-25-34-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gumagalaw ang kamay ng orasan, ibig sa­­bihin, tumatakbo ang oras. Bakit ka mabubuhay sa na­karaan? Dapat ang ba­wat kilos mo ay may ka­ug­na­yan sa iyong pagha­handa sa kinabukasan. Ma­suwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-20-25-38-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) -Alisin mo ang iyong hindi ma­gandang pag-uugali kapag hindi mo na­gustuhan ang isang bagay. Mas maganda na ang mga ibinibigay sa iyo ay tang­gapin mo nang maluwag sa iyong puso. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-16-21-27-35-43-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pag-aralan mo kung kai­lan darating sa bu­hay mo ang magagan­dang pangyayari. Ito ang susi mo sa tagumpay, gayun­din ang panlaban mo sa mga kabiguan. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-22-25-34-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mamahi­nga ka kapag mahina ang benta. Hindi naman ibig sabihin nito ay hindi na lalakas muli ang iyong ne­gosyo. Simpleng nagsasabi lang ito na ipanatag mo ang iyong kalooban. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-19-22-25-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakagu­gu­lat ang iyong kapalaran dahil akala ng marami ay bagsak ka na at hindi ka na maka­babangon pa, pero sa huli ay makikita nilang angat na angat ang iyong kabu­ha­yan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-28-30-40-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ang kilos ng iyong kapala­ran, hindi ka makahahabol dahil iba ang iyong inaatu­pag. Tutukan mo ang iyong sariling buhay lalo na ang iyong pagpapayaman. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-18-20-27-35-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dagdagan mo pa ang kilos mo nang sa gayun ay mas maraming suwer­te ang makuha mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-24-39-41.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.