Gustong ilipat ang reklamo sa ibang regional arbitration branch
- BULGAR

- Nov 13, 2018
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Nais kong malaman kung maaari bang ilipat sa probinsiya kung saan ako permanenteng nakatira ang reklamong isinampa ko sa National Labor Relations Commission (NLRC) na matatagpuan sa National Capital Region (NCR)? — Dorothy
Dear Dorothy,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 1, Rule V ng 2011 National Labor Relations Commission (NLRC) Rules of Procedure ang mga maaaring gawin ng isang partido upang mailipat ang kanyang kaso sa NLRC sa ibang Regional Arbitration Branch (RAB) ng nasabing Commission:
“SECTION 1. VENUE. – a) All cases which Labor Arbiters have authority to hear and decide may be filed in the Regional Arbitration Branch having jurisdiction over the workplace of the complainant or petitioner.
Xxx
d) The venue of an action may be changed or transferred to a different Regional Arbitration Branch other than where the complaint was filed by written agreement of the parties or when the Commission or Labor Arbiter before whom the case is pending so orders, upon motion by the proper party in meritorious cases.” (Binigyang diin)
Batay sa nabanggit na probisyon, maaari ninyong gawin ang paglipat ng inyong kaso mula sa NLRC-NCR kung saan ninyo isinampa ang inyong complaint, patungo sa RAB ng NLRC kung saan kayo permanenteng nakatira kung (a) magkakaroon kayo ng kasulatang pagkakasundo ng bawat partido sa gagawing paglipat ng kaso o kung (b) kayo ay magsasampa ng motion sa Commission o Labor Arbiter kung saan nakabimbin ang inyong kaso para sa change of venue. Kung sakaling meritorious ang inyong kaso sa palagay ng NLRC, ipag-uutos ng Commission o Labor Arbiter ang paglipat nito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments