- BULGAR
Palawan, next na ipasasara?! Hmmm...
MINSAN, kailangan munang may makitang nasampulan bago maniwala.
‘Pag sinabing bawal, hindi muna magsisitigil hanggat walang naparurusahan.
Tulad ngayon, nakita na natin kung paano ipinasara ang Boracay, magsilbi na sana itong aral sa lahat.
Kung saan, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, maaari ring ipasara ang Palawan. Matatagpuan dito ang iba’t ibang tourist attractions tulad ng El Nido at Coron.
Gaya ng laging paalala sa mga opisyal, residente at turista, pangalagaan ang isla at protektahan ito mula sa over exploitation.
Puwera na lang kung gusto ring matulad sa Boracay Island na isinailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.
Una sa lahat, iwasan ang overcrowding sa isla. Huwag hayaang magkaroon ng mga hotel malapit sa beach dahil ito ay para sa mga tao at pagmamay-ari ng national government.
Dapat ding tumulong ang mga pamunuan ng mga hotel sa pagpepreserba ng isla.
Tutal kayo ang masasabing isa sa mga higit na nakikinabang sa yaman nito, maging responsable rin sana kayo.
Pero sa totoo lang, wala namang masama sa rehabilitasyon. Sa pamamagitan nito ay nakikita natin ang tunay na kalagayan ng kalikasan.
Hanggat maaari, talagang dapat ay magkaroon ng regular na pagsusuri sa mga ito.