top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pahiwatig na nagbabago ang lahat ng bagay sa mundo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 12, 2018
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Hen­rietta ng Henrietta_ Refe@facebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako na sobrang sakit daw ng ngipin ko kaya pinilit ko itong alisin.

Tapos, naulit na na­man ang panaginip ko, pero da­lawa na ang inalis ko sa kaliwang bahagi.

Ano ang ibig sabi­hin ng panaginip kong ito? Naguguluhan kasi ako.

Salamat!

Naghihintay,

Henrietta

Sa iyo Henrietta,

Minsan, ang maganda kapag ma­tagal nang maganda ay hindi na gu­maganda sa paningin ng iba. Ma­hirap paniwalaan dahil sabi nga, “beauty is forever.”

Pero, ito ang tunay na dahilan kung bakit naiiba at tila walang katapusan ang pagpapalit ng mga modernong kasuotan. Kahit nga ang buhok lalo na sa mga babae ay pabagu-bago. Min­san pa nga, ang pinapalitan ay ang style ng pagsasalita, kumbaga, inaalis ang luma at tulad ng nasabi na pina­palitan ito ng bago tulad ng gay lingo.

Minsan, ang bago ay simpleng nag­sasabi ng kakaiba. Sadyang sa mundo, kung ano ang bago, ‘yun ang uso at kung ano ang luma, wala nang pumapansin at wala na itong halaga.

Pero, paano natin malalaman na dumating na ang takdang panahon para sa isang tao na ang kanyang ganda ay naluma na at kailangan na ng “new brand of beauty”?

Sa panaginip ang sabi, ito na ang kailangan mo ngayon, “a new out­look”! Bakit? Dahil ang mga ngipin ay sumisimbolo sa kagandahan ng tao.

Dahil dito, narito ang ilang reko­men­dasyon para sa iyo:

1. Magsuot ka ng bagong pantalon, ‘yung malambot pero maong ang tela at fit sa iyo dahil ito na ang uso ngayon.

2. Magsuot ka rin ng lady’s t-shirt dahil ito ay in na in.

3. Rubber shoes? Siyempre, okay din ‘yan!

Isipin mo pa lang kahit hindi mo pa suot ang mga nabanggit sa itaas, ikaw na mismo ang magsasabing, “you will have a new life”! Buhay na masaya, as in, talagang masayang-masaya.

4. Sa buhok naman, kapag pumunta ka sa parlor, sila na ang bahalang magsabi sa iyo kung anong style ang nababagay sa iyo. Hindi maganda kung ikaw ang magsasabi ng kung ano ang gusto mo dahil kung makaluma ang pagkatao mo, eh, sure na mamamali ka ng sasabihin.

5. Ang iba pang bagay na puwede sa iyo ay sa parlor mo rin malalaman dahil higit kaninuman, sila ang nakaaalam kung ano ng trending ngayon.

Ang mga nasa itaas ay parang hindi totoo, kumbaga, parang pampasaya lang sa iyo, pero muli, sa mundo ng panaginip ang mga ngipin ay sumi­simbolo sa kagandahan ng tao.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page