Search
  • BULGAR

Malinaw ayon sa birthday... BEBOT NA NAKATAKDANG SUWERTEHIN SA CAREER AT LOVE LIFE

Maestro Honorio Ong

Dear Maestro,

Matagal na akong na­kapagtapos sa kursong Ac­countancy, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong stable job.

Kaya nais kong itanong kung kailan kaya ako mag­kakaroon ng permanenteng trabaho?

Sa pag-ibig naman ay hindi ako ligawin, may ex-BF ako, pero isa lang. Gus­to kong malaman kung kailan kaya ulit ako mag­ka­ka-boyfriend? October 15, 1992 ang birthday ko.

Umaasa,

Marilyn ng Cadre Site, Bayambang, Pangasinan

Dear Marilyn,

Ang birthday mong Oc­tober 15, 1992 ay nagsasa­bing ikaw ay kabilang sa mga taong labis na naiimpluwen­siyahan ng numerong six (6), nangyari ito dahil bukod sa birth date mong 15 o 6 (1+5 =6), ikaw din ay nagtataglay ng zodiac sign na Libra kung saan ang Libra ay may taglay ding numerong six (6) sa tag­lay niyang ruling planet na Venus.

Kung saan dahil malakas ang impluwensiya sa iyo ng numerong 6, sinasabing ang dapat mong gawin ay huwag mo munang problemahin ang pag-ibig, sa halip, ang gawin mo ngayon ay mag-con­cen­trate ka sa pag­papaunlad ng iyong buhay.

Kapag maunlad na ang iyong career at hitik na hitik na ito sa bunga, ang mga taong may birth date na 6 tulad mo ay kusa ng susu­wertehin sa pakikipagrelas­yon.

Kaya kung tapos ka ng Accountancy at gusto mong ituloy ang kursong ‘yan, da­pat ay kumuha ka ng CPA Board Exam. Pagkatapos, kapag naging Certified Pub­lic Accountant ka na, maki­kita mo, kasabay ng pag-un­lad ng iyong career, darating na rin sa iyong kapalaran ang isang masaya at nakakikilig na pakikipagrelasyon.

Dagdag pa rito, upang masiguro mong magtata­gumpay ka sa career at sa pag-ibig, ayon sa zodiac sign mong Libra at birth date mong 15 o 6 na pinaghaha­rian ng planetang Venus, lalo na kung ikaw ay medyo chubby na masarap yakapin dahil malambot ang katawan at medyo mababa lang ang height, ibig sabihin, ikaw ay nagtataglay ng “pure six per­sonality”, kung ganyan ka nga, mas madali kang uunlad at magtatagumpay hindi la­mang sa career, bagkus, pati sa pag-ibig at sa lahat ng as­peto ng iyong buhay lalo na kung palagi kang magsu­suot at gagamit ng kulay pula, pink, lilac, asul at iba pang mga kulay na hinango sa asul at pula.

At sa sandaling sinunod mo ang mga simpleng re­komendasyong inilahad sa itaas, tiyak ang magaganap ngayong taong 2018, bago sumapit ang Pasko, magka­karoon ka na ng maganda at matatag na trabaho hanggang sa maisipan mong mag-re­view para sa CPA Board Exam at sa pagsapit ng taong 2019, sa edad mong 27 pa­taas, walang duda, makapa­pasa ka na sa Board exam at magiging Certified Public Accountant ka na, kasabay nito, magkakaroon ka na ng boyfriend na isinilang sa zo­diac sign na Virgo at ha­han­tong ang inyong pag-iibi­gan sa pabuo ng isang ma­ligaya at panghabambuhay na pamilya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.