- BULGAR
HOROSCOPE | NOBYEMBRE 12, 2018 (Lunes)
Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEMBRE 12, 2018 (Lunes): Patuloy na aangat ang iyong buhay hanggang sa sumuko na ang mga lantad at lihim mong kaaway. Ito ang kahulugan ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tiwala sa sarili ang kailangan mo upang ang maraming suwerte ay mapasaiyo. Kaya muli, magtiwala ka sa iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-19-20-23-29-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung nasaan ang pagkakasundo, roon ka. Kung nasaan ang hindi pagkakaunawaan, ‘yun ang iyong iwasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-11-15-29-30-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung makikinabang ka, bakit hindi ka susuko? Sa mundo, ang lahat ay natatrabaho para makinabang. Nagsisikap tayo kapalit ng benepisyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-21-24-33-39.
CANCER (June 21- July 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon. Ang mapipili mo ay ang mali, pero ang mga magagandang kapalaran ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-28-30-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Biglaan na parang isang kisapmata ang mangyayari sa buhay mo. Sa una ay aayaw ka, pero sa huli ay papalarin ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-23-31-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Kung saan ka masaya, roon ka. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-14-29-37-41-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tanggapin mo ang pagpapakumbaba ng isang tao. Kung galit ka, bawasan mo ang galit mo at makikita mo sa huli, magiging maligaya kayong dalawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-28-31-37-41-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo dapat pagalitan ang makulit. Hayaan mo lang ang kanyang diskarte dahil sa huli ay mawawala rin nang kusa ang kanyang kakulitan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-20-16-30-33-36-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mangarap ka nang mangarap. Huwag mong kalilimutan na ito ang susi para maabot mo ang tugatog ng iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-10-16-25-34-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maghintay ka at huwag kang mainip dahil ang paghihintay ay para sa mga katulad mong kusang nilalapitan ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-22-28-30-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung sino ang para sa iyo, siya talaga ang mapupunta sa iyo. Hayaan mong ang langit ang gumawa ng paraan. Sa ganito, ang kapalaran mo ay mas gaganda kaysa dati. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-20-21-28-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipagsapalaran ka dahil ang mga suwerte mo ay talagang para sa iyo at ang mga kamalasan ay para sa mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-15-29-30-37.