Search
  • Joy Repol Asis

Eroplano bumagsak, 4 todas

PATAY ang apat katao matapos bumagsak sa central Iowa, U.S.A ang isang eroplano.

Batay sa awtoridad, nasawi matapos atakehin sa puso ang piloto ng naturang eroplano na kinilalang si Edward Ralph Anderson, 49.

Kabilang sa mga nasawi sina Tyler Douvua, 28; Samantha Clark, 15; at Patrick Kellen; 36.

Ayon sa Guthrie Sherrif’s Office, papuntang Osceola ang eroplano nang subukang mag-emergency landing ng isa sa mga student pilot, ngunit, hindi tinukoy kung sino sa tatlo ang sumubok.

Sirang-sira ang eroplano matapos bumagsak na naging dahilan sa pagkasawi ng mga biktima.

Isasailalim na sa autopsy ang mga labi ng biktima sa Iowa Medical Examiner’s Office.

Samantala, iimbestigahan ng Federal Aviation Administration (FAA) ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.