- BULGAR
Anak ni Cesar, nasa rehab daw… DIEGO, TAGILID NA SA SERYE SA DOS
Erlinda Rapadas / TEKA NGA

MAY mga nagtatanong kung papaano na kaya gagawin ang mga eksena ni Diego Loyzaga sa seryeng Los Bastardos ngayong under treatment pa siya sa isang nursing home o rehab after ng napabalitang pagsu-suicide niya? Maganda pa naman ang kanyang role sa serye at magandang exposure ito para sa kanya.
Kauumpisa pa lang sa ere ng Los Bastardos at tiyak, uunahin munang kunan ang mga eksena ng mga aktor na kasama ni Diego sa serye. Magagawan na siguro ng remedyo ng writer ang pansamantalang pagbabakasyon ng karakter ni Diego.
Pero, kung matatagalan pa, posibleng palitan na lang siya.