Search
  • Joy Repol Asis

7 patay sa flashfloods

UMABOT na sa pito ang nasawi dahil sa flashfloods sa Aqaba, Jordan.

Maliban dito, lima pa ang kasalukuyang hinahanap matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig ang kanilang mga sasakyan.

Lumakas ang pagbaha sa ancient City of Petra na naging dahilan ng paglikas ng 4,000 turista.

Gumamit na ng helicopters ang mga rescuer upang makatulong sa mga nasalanta ng pagbaha habang tuloy din ang pagbibigay ng babala sa mga residente.

Inaasahan pang magpapatuloy ang masungit na panahon kaya kasalukuyan nang nasa state of emergency ang bansa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.