- Joy Repol Asis
1,000 bahay sa California, natupok
NAUBOS ang mahigit isang libong bahay matapos magkaroon ng wildfire sa California.
Hindi pa mailabas ang eksaktong bilang ng mga nasawi mula sa insidente.
Sugatan ang ilang sibilyan at mga bumbero.
Batay sa ulat, tatlo ang wildfires sa California, kabilang dito ang hill fire sa Thousand Oaks, Camp fire sa Butte Country at Woolsey fire sa Simi Valley at Calabasas.
Malala ang pinsalang natamo ng U.S. City of Paradise at halos naabo na ang naturang lugar.
Mabilis na kumalat ang apoy, dahilan ng paglikas ng libu-libong residente sa lugar.
Idineklara ni acting California Governor Gavin Newsom ang state of emergency sa mga lugar na apektado ng wildfires.