Search
  • BULGAR

'Di raw si Tony ang una, in real life talaga…ANGEL, UMAMING NAKATIKIM NG BATAMBATANG LALAKI

Len Ramos Llanes / ISKUP

Dahil sa digital movie na Glorious, ayan, paboritong topic ngayon ang May-December relationship.

It’s an age old topic, pero muling umi­ngay at nabigyan ng fresh view because of the beautiful people involved in the film — ang 23-year-old na si Tony Labrusca and an almost 50-year-old Angel Aquino.

In looks however, parang ‘di naman nagkakalayo ang dalawa. Mature ang dating ni Tony at young looking naman si Angel.

Siguro, sa ngayon, maraming mga may-edad nang kababaihan ang nabuhayan ng loob at nasabi sa sarili na, “Puwede pa pala ako sa isang batambatang magkakagusto sa akin!” O, ‘di ba?

Huwag na tayong lumayo. Inamin mismo ni Angel na siya man, sa edad niya ngayon ay lapitin siya ng mga guys much younger than she is.

At si Tony din naman, inamin na min­san ay may isang 35-year-old lady na na-in love sa kanya.

Pareho ang takbo ng isipan nina Tony at Angel. Sa isang relasyong tulad nito, bawat isa naman — kung in love nga silang dalawa — ay nakikinabang. Pareho silang masaya sa ibinibigay na pagmamahal ng isa’t isa.

Nagkatotoo nga ang sinabi ni Angel na may isa siyang nakarelasyon na mas bata sa kanya nang 11 years. Naging maganda ang kanilang pagsasama, ayon pa sa kanya.

Paliwanag ni Angel, “Siguro, he was ahead of his age. Mas mature siya than an early 30s guy.

“Medyo gets niya ako, at gets ko rin siya. He was very respectful.”

Ayon kay Angel, hindi maiiwa­sang may mga taong hindi pa rin tanggap ang paki­kipagrelasyon ng isang babae sa isang lalaking mas bata sa kanya.

Pero hindi naman daw talaga dapat isyu ang age gap as long as sincere ang isang couple.

Aniya, “Ang hirap kasi ‘pag nire-restrict mo ang sarili mo. When you’re in that kind of a relationship, magda­dalawang-isip ka. Hahawa­kan mo ba ‘yung kamay ng younger man while you’re walking in the mall?”

Sa tanong kay Angel kung sa edad niya ngayon ay madali rin siyang ma­kahanap ng tamang lalaking mama­halin, she said, “You have to be the right person for that somebody. Kumbaga, you have to dance to the same music.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.