Department of OFW, malaking tulong sa mga naaabuso

BUHAY-OFW. Araw-araw na sakripisyo, pagsisikap at pag-asa na makauuwi rin ng Pilipinas na hindi na kailangang bumalik at muling makipagsapalaran sa ibang bansa, lalo na silang mga hindi pinalad sa trabaho, lalo na sa kanilang mga amo.
Ilang kababayan na ba natin ang umuwi na kung hindi ginahasa o bugbog-sarado, isa nang bangkay?
Hindi pa kasama ang mga nakakulong at naghihintay ng pagkakataon na masaklolohan.
Nakapanlulumo na silang mga mapagmahal na nanay, anak o kapatid nang umalis, alipin kung ituring ng ibang lahi.
Kaya sang-ayon tayo sa panukalang pagtatatag ng isang ahensiya para sa mga overseas Filipino worker.
Tanggapan na tututok sa karapatan, kapakanan at kaligtasan ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa malayo.
Bagama’t, wala nang pag-asang makahabol sa 17th Congress ang Department of OFW Bill dahil sa abala na sa pagpasa ng National Budget at campaign period, nawa’y maging madali ang pagpasa nito sa 18th Congress.
Maraming Pinoy ang nangangailangan ng tulong.
Maaaring sa iba, madaling kuwestiyunin ang pagtatrabaho nila sa ibang bansa pero, sino ba ang gustong malayo sa pamilya?





Comments