Search
  • BULGAR

Ang tinik, may sabeeeet pa pala… AKTOR, NABUKING NG MISIS NA AKTRES NA KASAL SA ISANG AKTRES NA NAG-

BLIND ITEM:

Blind item muna tayo. Kaya pala nakipaghiwalay si misis na aktres sa mister niyang dating aktor ay una nga, ‘yung natuklasan nitong may ibang bebot si mister na diumano ay buntis ngayon. As in may kasalo pala siya kay mister habang siya ay work nang work to the max.

Tapos, sinasabi pa ng mga kaibigan at ilang kamag-anak ni misis na tamad daw magtrabaho si mister at halos lahat di­umano ay iniaasa lang kay misis.

Pero ang da height diumano ay natuklasan din ni esmi na kasal pala nu’ng 1996 pa si mister sa dating aktres na matagal nang nag-migrate sa USA bago niya pinakasalan si misis.

Ang aktres na matagal nang nag-migrate sa Amerika dahil sa isang kasong sangkot ang inasawa nitong tipong belong sa ibang lahi ay napabalita rin noon na binigyan daw ng balaysung sa Tandang Sora ng isang kilalang actor-politician.

Tapos, naging talk of the town din ang pagkakaroon ng relasyon nito sa isang aktor na nagsimula bilang child star.

Well, if true ang mga tsikang itech na nasagap namin ay puwede sigurong sing na lang tayo ng awiting may lyrics that goes… “To love somebody… but not my body… baby you don’t know what it’s like… to love somebody… the way I love you….”

Yeah, yolooooo, may ganernnn, tsuk!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.