- Gina Pleñago
150 E-TRIKES, LARGA - DOE

PINAGUNAHAN ng Muntinlupa City ang kampanya para sa programa ng green transport nang tanggapin ang 150 units ng e-trike mula sa Department of Energy (DOE).
Ibinigay ng mga kinatawan ng ahensiya ang 150 e-trikes sa nasabing lungsod na tinaguriang E-Jeepney Capital ng Pilipinas at isa sa mga local government unit na nangunguna sa electric vehicle revolution sa bansa.
Layunin nitong isulong ang energy efficiency at malinis na teknolohiya sa transport sector.
Samantala, ayon sa Land Transportation Office (LTO), ang naturang sasakyan ay maituturing na road-worthy, na tatagal ng mahigit tatlong oras at limang pasahero ang kapasidad. Kasunod ng turnover ceremony, nagsagawa ng test drive sa units sa pangunguna ni Mayor Jaime Fresnedi.