top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sey ng experts... PAGKAIN NG TALONG, EPEKTIB NA PANLABAN SA ANEMIA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2018
1 min read

DEHINS ka ba kumakain ng talong dahil natatakot ka na baka may uuod ang mga ito? Naku, dehins mo ba knows na bukod sa likas itong masustan­siya, eh, marami pa itong nai­dudulot na maganda sa ating kalusugan?

Ang talong ay nagkokontamina ng fiber, potassium, Vitamins C at B6. Ang mga bita­minang ito ay kilala na nakatu­tulong sa pag­papababa ng panganib sa pagkakaroon ng sakit sa puso.

Sa nakaraang pag-aaral, natuklasan na mayroong 34 na porsi­yento ng nutrients na ito ang epek­­tibong na­katutulong sa mga kuma­kain ng talong.

Gayunman, nakagaga­ling din umano ng kanser ang pagkain ng talong dahil ang polyphenols na may­roon ito ay nagtataglay ng anti-cancer properties kung saan nila­labanan nito ang in­flammation at oxidative stress na naka­sisira sa ating katawan.

Kabilang sa mga kanser na maaari nitong magamot ay lung, breast, oral at skin cancer.

Samantala, para sa mga beshy nating mapuputla o anemic diyan, knows ba nin­yong epektib din ang talong na pan­laban sa anemia? Ito ay dahil ang talong ay may mi­neral na iron at copper at ang mga ito ay nakai-improve ng red blood cells sa ating bloodstream.

Dagdag pa rito, nakabu-boost din umano ito ng energy.

Kaya ang payo ng mga eksperto, huwag nang magpaka-choosy at ku­main na ng masusustansiyang pagkain lalo na ng talong.

Oh, ayan, dehins lang pala atay ang puwedeng kainin para hindi na maging ane­mic, eh. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Go for it, mga beshy!

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page