Search
  • BULGAR

Malinaw ayon sa birthday...SINGLE MOM NA NAKATAKDANG YUMAMAN SA PAKIKIPAGSAPALARAN

Maestro Honorio Ong

Dear Maestro,

Ako ay solo-parent at naisipan kong sumang­guni sa inyo upang mala­man ang aking masusu­werteng buwan, taon, kulay at numero.

Mahilig din akong ma­kipagsapalaran sa lotto. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya ngayon ay tindera ako sa paleng­ke, pero nangangarap din akong yumaman.

Ito lang ang ipinam­bubuhay ko sa aking da­la­wang anak, iniwan na kasi kami ng mister ko at suma­ma siya sa ibang babae.

Sana, matulungan ninyo kaming makaahon sa kahirapan, alang-alang na rin sa mga magulang ko na tumanda na nang hindi man lang guminhawa ang bu­hay at sa mga anak kong gusto kong mabigyan ng magandang kinabukasan. December 13, 1991 ang birthday ko.

Umaasa,

Caroline ng Sta. Ana, San Mateo, Rizal

Dear Caroline,

Ayon sa birth date mong 13 o 4, (ang 13 ay 1+3=4) sa destiny number na 9 (12+13=1991=2016/ 20+16=36/ 3+6=9) at sa zodiac sign na Sagittarius, mapalad ka sa mga nume­rong may sumatutal na 1, 7, 8 at 9, tulad ng 10, 19, 28, 37, 16, 25, 34, 43, 17, 26, 35, 44, 18, 27, 36, 45 at iba pang kauri nito. Ikaw na ang ba­halang magkumbinasyon ng nasabing mga numero depen­de sa iyong pakiramdam.

Samantala, bukod sa na­sabing mga numero, mapa­lad ka rin sa kulay dilaw at pula, habang ang kulay puti at berde ay puwede mo ring ga­mitin, paminsan-minsan.

Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran sa mga buwan ng Abril hanggang Marso, sa mga buwan ng Ok­tubre hanggang Disyem­bre at sa mga buwan ng Hulyo hanggang Agosto, hi­git lalo sa ikalawa at ikatlong linggo ng Hulyo.

Significant at favorable years mo ngayong taong 2018 at 2019, lalo na sa bu­wan ng Agosto hanggang Dis­yembre, gayundin sa mga taong 2021 at 2022 kung saan sa mga panahong na­banggit, mataas ang tsansa na bigla kang manalo ng malaking halaga sa anumang uri ng pakikipagsapalaran na magiging daan upang maia­hon mo sa kahirapan ang iyong buong pamilya higit lalo kung sa panahong ‘yun ay malayung-malayo ka na sa sinilangan mong bayan.

Dahil ang isa pang bertud o anting-ating na pampasu­werte upang tuluy-tuloy ka nang yumaman at magtagum­pay sa buhay ay ang paglayo mo sa iyong sinilangang ba­yan at tulad ng nasabi na, Ca­roline, sa sandaling nagawa mo ang mga rekomendas­yong na­banggit, magiging maligaya ka na hanggang sa tuluy-tuloy ka na ring yuma­man.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.