Search
  • Pabs Hernandez III

Electrician tiklo sa shabu

NUEVA ECIJA—Isang electrician ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa Bgy. Siclong, Laur sa lalawigang ito.

Ang suspek ay kinilalang si Aldrin Mones, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant ang bahay ni Mones at dito nakumpiska ang tatlong sachets ng shabu.

Nakapiit na si Mones na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.