Search
  • BULGAR

Blind Item

BLIND ITEM:

Nabulilyaso ang binalak ng isang aktres na lumipat ng network dahil hindi na itinuloy ng mga bossing ng lilipatan niyang istasyon ang negosasyon nang mag-quote siya ng mataas na talent fee.

Hindi na sinabi ng source kung mag­kano ang hininging tf ng aktres sa network, basta malaki at hindi raw match sa status nito.

Mahusay at kilala ang aktres, pero hindi pa ganu’n kalaki ang status niya sa showbiz. Kaya as of now, hindi na tuloy ang ne­gosasyon sa pagitan ng aktres at ng management.

Sayang dahil kung natuloy lumipat ang aktres, babalik din sana siya sa network kung saan siya nagsimula.

Sa balitang gustong lumipat ng aktres, malinaw na hindi na siya masaya sa network kung saan siya nakakontrata ngayon at kung saan nakagawa na siya ng maraming shows.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.