top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

BLADES AT SUPER CRUNCH, MATATAG VS. MGA KARIBAL SA MPBL DATU CUP

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2018
1 min read

PINALAWIG pa ng Batangas City at ng Makati ang winning runs nang bu­ma­nat ng mga panalo laban sa kani-kanilang karibal sa MPBL Datu Cup, Miyer­kules ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Pinalawig ng Tanduay-Athletics ang winning streak sa apat na hindi umubra ang bagsik ng Rizal Crusaders-Xentro Mall squad, 92-90. Namuno si Lester Alvarez sa Athletics, tumapos ng 23 puntos at nanatiling matibay sa team bago nagtu­lungan sina teammates Jhay­mo Eguilos at Bong Quinto sa 9 puntos ng Batangas City sa 11 points laban sa bisitang team mula sa Southern Tagalog.

Sa naturang panalo, pinag-ibayo ng Batangas City ang win-loss record sa 8-6. Ang pagkatalo ang ikatlong diretso para sa Rizal, na dumanas ng 10 talo sa 14 na laro para manatiling matibay sa southern division.

Unang tinalo ng Makati ang Zamboanga, 77-65, para sa ikatlong panalo.

Bitbit ang bagong moniker na Super Crunch, na dating tawag ay Skyscrapers ang Makati squad ay deadly pa rin na pinalasap sa Valientes ang ikapitong talo sa 12 laro.

Sa panghuling panalo, pinag-ibayo ng Makati ang win-loss record sa 9-4 para malagay sa 4th spot sa pahirapang laban sa northern division ng torneo. “Consistency on defense has been our calling card and we were able to show that in the fourth period,” ayon kay Makati coach Cholo Villa­nueva. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page