Search
  • BULGAR

Mga pulis-rapist, sampulan nang 'di tularan

SEX, palit-laya’. Nitong mga nakaraang araw, ilang kaso nang panggagahasa ang naiulat at ang itinuturing na salarin, mga pulis!

Nakauniporme at naka-duty pa.

Sa Maynila, isang anak ng mag-asawang inaresto sa iligal na droga ang sinasabing dinala sa motel ng isang pulis bilang kapalit umano ng paglaya ng kanyang mga magulang.

Matapos nito, dalawang pulis sa Lungsod ng Quezon ang umano ay gumahasa sa isang babae na kanilang nahuling nagsusugal.

Ginawa umano ang kababuyan sa mismong police mobile saka pinalaya ang babae. Kapwa bagitong pulis na walang takot sa batas na sila sana ang nagpapatupad ngunit, mga walang konsensiya.

Nakapanlulumo at nakadidismaya ang mga tulad nila, ang isa sa mga salot sa lipunan. Sila ang bumababoy sa gobyernong pilit nilili­nis at binabangon ng iba.

Hindi pa nga nauubos ang mga pulis na sangkot sa droga, umeeksena pa ang mga parak na manyak.

Panawagan sa pamunuan ng PNP, huwag na sanang may mabiktima pa ang mga hayok sa laman.

Ngayon palang, sampulan na ang mga pulis-rapist na ito nang hindi na pamarisan pa.

Hirit nga ng mga nanggigigil, putulan n’yo na!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.