HOROSCOPE | NOBYEMBRE 9, 2018 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEMBRE 9, 2018 (Biyernes): Nasisiyahan ang nanonood, pero ang tunay na kaligayahan ay nasa pakikipaglaban. Harapin mo ang hamon ng iyong kapalaran upang maramdaman mo ang tunay na ligaya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maging matalino ka sa paggastos ng iyong pera dahil hindi araw-araw ay pagpapalain ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-22-24-31-39-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maging huwaran ka dahil ngayon ay may mahahalagang tao sa buhay mo na kailangan ng mapagkukuhanan ng lakas ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-19-21-27-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Pigilan mo ang iyong luha lalo na kung bumalik sa iyo ang nawala sa buhay mo. Huwag kang maging emosyunal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-15-23-35-41.
CANCER (June 21- July 22) - Kumuha ka ng lakas sa kilala mong matagumpay sa larangang kanyang napili. Hindi ka mabibigo at sa huli ay sasabihin mo na ang tao pala ay kulang lang sa inspirasyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-27-30-35-38-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magbawas ka ng tiwala sa iyong sarili. Minsan, ang sobrang pagtitiwala sa sarili ay nauuwi sa pagsisisi. Muli, bawasan mo ang tiwala mo sa iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.Tips sa lotto-7-18-20-22-25-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon na ang pagkakataong ibinigay sa iyo ng langit para tuparin mo ang iyong mga pangarap. Huwag mo itong palagpasin dahil bihira lang dumating sa buhay ng tao ang ganitong mga pangyayari. Masuwerteng kulay-violet. Tips lotto-5-16-29-31-36-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi naman kumukupas ang galing at husay mo. Kaya lang, ngayon ay may pagkukulang ka sa mga kilos mo dahil tinatalo ka na ng pagkabagot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-16-20-21-27-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Lakasan mo ang iyong loob pagdating sa pakikipagsapalaran. Pero, ang payo sa iyo dapat ay sa pagpapayaman ka tumutok at hindi sa ibang larangan ng buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-12-23-33-35-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong maliitin ang taong hindi nakuha ang gusto. Ikaw din ay nakaranas ng ganu’ng bagay, pero dahil hindi ka huminto, sa huli ay napasaiyo ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-21-26-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawan mo ng mabuti ang tumulong sa iyo. Pasayahin mo siya dahil mahalaga sa tao ang marunong magpasalamat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-24-38-40-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mamahinga ka at kapag nakapagpahinga ka na, magugulat ka dahil ang magagandang kapalaran na noon mo pa gustung-gustong makuha ay magdaratingan na sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-18-21-27-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Minsan ay mapagbiro ang kapalaran. Aakalain mong ikaw ay bigumbigo at habang nararanasan mo ang lungkot, ang katuparan ng iyong mga pangarap ay matatanaw mo na. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-15-29-30-37-46.




Comments