- BULGAR
Wa' paki kahit kalat nang bading… TONY, UMAMING 'DI BABAE ANG GUSTO
Julie Bonifacio / WINNER!

Very cool na sinagot ng hunk actor na si Tony Labrusca ang controversial issue na ibinabato sa kanya regarding his ‘real’ gender.
Nakausap namin si Tony sa presscon ng pelikulang ML na second top-grosser at umani ng parangal sa nakaraang Cinemalaya Independent Film Festival.
“Uhm, I think that everybody wants to objectify me and put a label on me. So, I don’t really care and right now, I’m just enjoying my life, and doing my art. So, if anybody has anything to say about me, then, good because haters are just fake lovers,” pahayag ni Tony.
Obviously, ‘di affected si Tony sa akusasyon na isa siyang gay. Basta nasa showbiz daw siya to do his thing as an artista and buy his own house. Ito rin daw ang dahilan kung bakit wala pa rin siyang girlfriend until now.
“Kasi ‘yun nga, hindi pa po ako nakabili ng bahay. So, paano naman po kung gagastos ako sa girlfriend ko?” natatawa niyang sabi.
Two years ago na raw since nagka-girlfriend siya and that was before he went to the Philippines. But he admitted na nagkaroon siya ng attachment sa isang girl back in Canada where he grew up.
“Actually, wala namang label sa Canada. Kaya ayaw ko ring sabihin na nagka-gf talaga ako. Kasi ‘yun na talaga ang uso ngayon, ‘di ba? Actually, hindi ako fan sa ganu’n pero ayun, ganu’n na talaga ang mga millennial.”
Marami naman ang nagpapayo kay Tony na ‘wag munang mag-concentrate sa paghahanap ng karelasyon but instead mag-focus lang sa kanyang career lalo pa’t sunud-sunod ang kanyang projects this year alone.
Napakagandang break and exposure ang nakuha ni Tony sa pelikulang ML kahit na sobrang hirap physically ng inabot niya sa mga eksena niya with Eddie Garcia. Nonetheless, this won’t stop him from accepting this kind of films on his future projects.
Napanood namin ang ML nu’ng gala night ng movie during the Cinemalaya filmfest sa Main Theater ng CCP sa Roxas Blvd., Pasay City. Napakatapang ng movie sa paglalahad ng kuwento about Martial Law nu’ng panahon ni dating Presidente Ferdinand Marcos.