Search
  • BULGAR

Sa lalaking Sagittarius daw, teh! BABAENG SA SANDALING MANGIBANG-BANSA AY TIYAK NG MAKATATAGPO NG LA

Maestro Honorio Ong

Dear Maestro,

Matagal na akong su­musubaybay sa mga arti­kulo ninyo at minsan ay nasabi ninyo na susuwer­tehin sa pag-aasawa ang taong singko, pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend?

Kaya ang tanong ko, paano ba ako makapag-aasawa at susuwertehin sa buhay?

Bukod kasi sa wala akong love life, sa career na­man ay gayundin ang tak­bo ng aking kapalaran. Hin­di ko tuloy malaman kung anong career ba ta­laga ang nakalaan para sa akin?

Sana, matulungan ninyo ako, Maestro, upang mag­karoon na ng tamang di­rek­siyon ang buhay ko at tulad ng iba, magkaroon na rin ako ng isang mata­gumpay at maligayang pa­milya, habambuhay. April 5, 1987 ang birthday ko.

Umaasa,

Jen ng Talaba, Bacoor, Cavite

Dear Jen,

Ayon sa birth date mong 5, sa destiny number na 7 (4+5+1987=1996 19+96 =115/ 11+5=16/ 1+6=7) at sa zodiac sign na Aries, upang magka-boyfriend ka, maka­pag-asawa at tuluyan nang magkaroon ng isang stable at asensadong career, mas ma­kabubuting mag-apply ka sa abroad sapag­kat ang mga taong singko ay kadalasang sa pangingi­bang-bansa sinu­suwerte, lalo na at nagka­taong Aries ang zodiac sign mo na ang ibig sabihin ay ki­nakailangan mong makipag­sapalaran upang mapitas ang bunga ng pag-unlad at malaking tagum­pay.

Magagawa at mangya­yari naman talaga sa iyo nang kusa ang mga adbentura sa malalayong pook dahil ang zodiac sign na Aries ay likas na nagtataglay ng sigasig at kakaibang lakas ng loob at pagkahilig sa mga pakiki­pagsapalaran.

Kaya kung hindi ka ma­katagpo ng magandang ka­palaran sa sarili nating bansa, wala kang stable job at love life, tulad ng naipaliwanag na, suwetung-suweto sa iyo ang pakikipagsapalaran sa iba­yong-dagat.

Dagdag pa rito, maka­pag­bibigay din sa iyo ng ka­kaibang sigla ang pagsusuot ng kulay pula para sa zodiac sign na Aries, habang silver, metallic blue o kaya ay puti naman para sa birth date mong 5.

Ganito ang paggamit, tu­wing sasapit ang mga pet­sang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, pula ang isuot at gamitin mong kulay, lalo na at natapat ang mga petsang nabanggit sa mga araw ng Martes, Huwebes at Biyer­nes.

Gray, silver, metallic blue or powder blue at white na­man ang angkop na kulay tuwing sasapit ang mga pet­sang 5, 14, 23, 8, 17 at 26, lalo na at natapat ang mga nasabing petsa sa mga araw ng Miyerkules at Sabado.

Hinggil naman sa iyong lagda, masyado itong maliit at maiksi na nagreresulta ng hindi maunlad na kapalaran. Masasabi ring ang iyong lagda ay nagpapahiwatig na wala kang achievement at malalaking accomplishment na nagawa sa iyong buhay.

Dahil dito, inirerekomen­da na mas mainam kung la­lakihan mo ang mga letra at salita sa iyong lagda at sika­pin mong makagawa ng bi­log na buntot sa pinakailalim ng letrang “J” upang mag­karoon ka ng dagdag na li­bido na siyang magpapati­kas at magpapaganda sa iyong panlabas na anyo at perso­nalidad.

Tandaan mo na kapag lumaki ang pagkakasulat ng iyong lagda at nagkaroon ito “lo­wer zone” tulad ng pina­ka­ilalim na buntot na bilog ng letrang “J”, tiyak ang maga­ganap, susuwertehin ka na sa pag-ibig at materyal na bagay dahil ang ibig sabihin ng malaking lagda at buhay na buntot sa lower zone sa pirma ay bukod sa dagdag na libido at inner energy, ma­raramdaman mong masig­lang-masigla ka sa bawat hamon na kahaharapin mo sa iyong buhay.

Kaya, Jen, sa sandaling sinunod mo ang mga sim­pleng rekomendasyong na­banggit sa itaas, ayon sa De­cadens ng Kapalaran, nga­yong taong 2018 hanggang sa susunod na taong 2019, sa edad mong 33 pataas, hindi pa huli ang lahat dahil kung mangingibang-bansa ka, walang duda, magkaka­roon ka ng magandang ca­reer sa ibayong-dagat at doon mo na rin makikilala ang lalaking isinilang sa zo­diac sign na Sagittarius na noon pa man ay itinakda na ng tadhana na maging boy­friend mo at makasama sa pagbuo ng isang maligaya, maunlad at panghabam­buhay na pamilya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.