Search
  • BULGAR

Music icon, bukod sa masyonda na kaya tagilid ang health… KA FREDDIE, 'DI KILALA NG MGA MILLENNI

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

AWARE kaya si Freddie Aguilar na mahina ang hatak niya sa mga botante lalo na sa mga kabataan o millennial?

Kahit pa inendorso siya ni Pangulong Rodrigo Duterte at kasama sa kanilang partido, still, hindi ‘yun sapat na garan­tiya na lulusot at mananalo siyang senador sa darating na May 2019 elections.

Hindi rin sapat na isa siyang music icon at nagmarka ang mga awiting pinasikat niya tulad ng Anak, Magdalena, atbp.. Kakai­la­­nganin ni Freddie Aguilar na maging visible sa publiko at mag-ikot sa mga liblib na nayon sa probinsiya kung nais niyang makakuha ng malalaking boto.

Sa panahon ngayon, mata­lino na ang mga botante, hindi na naidadaan sa kasikatan at popularidad ang pagpili ng mga kandidatong iluluklok sa mataas na puwesto at mala­king pondo ang kakailanganin.

Makakaasa naman kaya si Ka Freddie sa mga kapwa niya musikero sa pagtakbo niyang senador?

Kakayanin kaya ng kanyang katawan/kalusugan ang hectic na pa­ngangampanya bago mag-eleksiyon?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.