Search
  • BULGAR

Kasama pa ang padir niya… DATING MEMBER NG SUGARPOP, PROUD NA BADING, BF IDINISPLEY SA IT'S SHOW

Ador Saluta / ADORE ME!

Photo from: ABS CBN

Maraming netizens ang nanghinayang nang hindi makapasok as defending champion sa Tawag ng Tang­halan sa It’s Showtime si Enzo Almario (pambato ng Luzon) nitong nakaraang Martes.

Bagama’t ang 22-year-old singer ang tinanghal na daily winner last November 6 (Tuesday) episode ng It’s Showtime, nakakapanlumo sa kanya na .2% lamang ang inilamang sa kanya ng defending winner para maagaw ang ‘golden mikropono’.

Si Enzo ay dating miyembro ng Sugarpop, isang child musical group na binuo ng GMA-7 noong 2006 at mga miyembro nito ang mga finalists ng Popstar Kids, ang reality talent singing competition ng QTV-11 noong November 2005.

Kabilang sa mga nasabing Sugarpop group ay sina Julie Anne San Jose, Rita Iringan (ngayo’y si Rita Daniella na), Po­cholo Bismonte, Vanessa Rangadhol at Renzo.

Naging mainstay performers sila sa SOP Rules, ang defunct Sunday noontime musical-variety show ng Kapuso Network.

Enzo na ang ginagamit na pangalan ni Renzo at vlogger na siya ngayon.

Hindi nahihiyang aminin ni Enzo na kasama nito ang boypren sa audience at dito niya ipinaki­lala si Ceejay na kanyang karelas­yon at kasama rin ng ama ni Enzo na si Roman Almario sa loob ng studio ng It’s Showtime.

Sa interview nina Vice Ganda at Mariel Rodriguez, ikinuwento ni Enzo na 9 years old siya nang maging member ng Sugarpop.

Napaiyak si Enzo nang ma­pag-usapan ang pag-amin niya tungkol sa tunay na sexual pre­fer­ence na suportado ng tatay niya.

“Palagi po naman akong supportive sa kanya. I always accept the things I cannot change,” pahayag naman ng ama ni Enzo.

Sinabi ni Enzo na umayos ang kanyang buhay at naging dean’s lister pa nang tanggapin niya ang katoto­hanang gay siya.

“Bago ako sumali rito sa TNT, sabi ko, if ever po na makakabalik ako sa showbiz po, gusto ko naman po na i-inspire ‘yung mga tao and the world through wisdom and voice.

“Pero gusto ko, mas credible ako na mag-inspire ng tao. Pero first and foremost, naging totoo ako sa sarili ko,” pahayag ni Enzo, na gustong maging boses ng LGBTQ community at maging inspirasyon ng lahat.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.