Search
  • BULGAR

Sumikat sa mga horror movies… BANGKAY, PUMANAW NA SA EDAD 71

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

PUMANAW na ang veteran character actor na si Nonong de Andres a.k.a. “Bangkay” sa edad na 71.

Kahapon (Nov. 6), nag-post ang kanyang pamangkin na si Powee Capino na humihiling ang kanilang pamilya ng dasal para sa namaya­pang tiyuhin.

Aniya, “Please pray for the eternal repose of the soul of my Tito Nonong who passed away early this morning. He is more popularly known as “Bangkay” in horror movies and “Bangky” in Forevermore. This is aside from the hundreds of movies and tv appearances he was in throughout his acting career. He was 71.”

Base sa report, nakita ng caretaker na si Larry Liwanag ang aktor-comedian sa isang cottage sa Tumagay Beach Resort sa Tumagay, Quezon na walang buhay mga 4:30 nang umaga.

Agad daw itong ini-report sa pulisya at inimbestigahan. Sinabi ni Senior Insp. Rodel Fortunato na walang foul play na nakita sa katawan ng biktima pero isasagawa pa rin ang autopsy para malaman kung ano ang ikinamatay nito.

Nakilala si Nonong bilang si “Bangkay” dahil ito ang role na lagi niyang ginagampanan. Ang latest character na kanyang ginampanan ay si “Bangky” sa teleserye nina Enrique Gil at Liza Soberano na Forevermore.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.