Rider tepol sa trak
BATANGAS—Isang rider ang namatay nang aksidenteng bumangga ang mimamaneho nitong motorsiklo sa trak, kamakalawa sa Bgy. Dahilig, Lemery sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Leodegario Alilio, residente ng Bgy, Patutong Malaki South, Tagaytay City.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Alilio kaya bumangga ang motorsiklo nito sa trak na minamaneho ni Rommel Oco, nakatira sa Alfonzo, Cavite.
Dinala ng mga saksi si Alilio sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, nakapiit na si Oco na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.





Comments