Kapuso actress, kaya raw new look… KALAT NA: JULIE ANNE AT BENJAMIN, HIWALAY NA
- BULGAR

- Nov 7, 2018
- 1 min read

HALOS hindi namin nakilala si Julie Anne San Jose sa kanyang new look na napanood namin sa Studio 7 last Sunday. Bumagay naman ito kay Julie Anne na tiyak, magugustuhan din ng kanyang mga fans.
Hindi na old-fashioned at kaya nang sumabay ng Asia’s Pop Sweetheart sa ibang singers-performers. Napapanahon ang pagme-makeover kay Julie Anne. Tiyak na pasado rin ang bagong hitsura niya sa BF niyang si Benjamin Alves.
Not true ang intriga na kaya nagpaputol ng buhok ang Kapuso star dahil break na sila ni Benjamin. Karamihan daw kasi sa mga babaeng nagpapaikli ng buhok ay may problema sa pag-ibig.





Comments