Search
  • BULGAR

Kahit todo-endorso pa si P-Digong para mag-senador… KA FREDDIE, ISINUSUKA NG MADLANG PIPOL

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

UMANI agad ng pambabatikos at nega comments mula sa mga netizens ang ginawang pag-eendorso ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa kaibigan niyang legendary folk singer na si Ka Freddie Aguilar na tatakbong senador sa 2019.

“Freddie (Aguilar) is running for senator. Wala akong hiningi sa inyo, kung hindi just consider. He is a brilliant man,” sabi ni Pangulong Digong kasunod ang pagtataas ng kamay ni Ka Freddie.

Ang siste, kahit maraming DDS na naniniwala at todo-suporta sa pangulo, marami ring hindi kumbin­sido sa pagtakbong senador ni Ka Freddie.

Unang sinisilip ng mga netizens ang magulong love life at family life ng legendary singer at ang kakulangan daw nito sa kaalaman sa batas para maging senador.

Reaksiyon naman ng ilan, circus na talaga ang mang­yayari sa Senado dahil may boksingero na (Sen. Manny Pacquiao), may TV host (Sen. Tito Sotto), may action star (ex-Sen. Lito Lapid), ngayon, dancer (Mocha Uson) at singer (Ka Fred­die) naman daw ang gustong idagdag.

Hay, ang pulitika nga naman sa ‘Pinas, wa’ na kami ma-say!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.