Search
  • BULGAR

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 7, 2018 (Miyerkules)

Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 7, 2018 (Miyerkules): Malayo ang iyong mara­ra­ting, ibig sabihin, hindi lang isang tagumpay ang maitatala sa Aklat ng iyong Kapalaran. Ito ang ibig sa­bihin ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang kakaibang yaman ng iyong imahinasyon na mapasa­saiyo ngayon at sa ilan pang mga araw na dara­ting. Ito rin ay nagsasa­bing ang kabiguan ay ma­labong matikman mo. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-19-26-39-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maghanda-handa ka na dahil ang ma­lalaking suwerte ay napa­kalapit na sa iyo. Ali­sin mo muna ang iyong pag-aalinlangan. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-29-30-34-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi nauubos ang iyong mga suwerte. Nag­ka­taon lang na parang hin­di ka gaanong interesado sa pagpapayaman dahil masyado kang abala sa ibang mga bagay. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-23-35-34-43.

CANCER (June 21- July 22) - Iwasan mong mabigla dahil hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin mo ang nila­la­man ng iyong puso. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-12-24-28-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Da­rapo sa iyo ang mga suwerte at kapag nakita ng langit na pinahalaga­han mo ang mga ito, da­rag­dagan pa Niya ito na labis mong ikagagalak. Ito ang mensahe ng iyong ka­­palaran. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-16-22-23-35-38-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang maniniwala sa kasabihang ka­pag nasa katwiran ka, ipag­laban mo ito. Mas mabuti kung makikipagkasundo ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-26-34-38-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap pa­niwalaan ang nakasulat sa Aklat ng iyong Kapalaran na nagsasabing paganda­hin mo ang buhay ng mga ma­la­lapit sa iyo at tatanggap ka ng malalaking su­werte mula sa itaas. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-21-27-28-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka mabibigo ka­pag itinuloy mo ang matagal mo ng bi­nabalak na pagkakaki­taan. Makikita mo, sunud-sunod ang mga suwer­teng mapasasaiyo. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-20-21-29-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hayaan mo lang at hu­wag mong pa­hi­rapan ang sarili mo kung nilayuan ka ng ma­ta­lik mong kaibigan dahil siya ay babalik din sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-19-23-38-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahalin mo ang iyong sarili, ito ang dapat mong gawin ngayon dahil hindi pa ito ang tamang panahon upang magsakripisyo ka. Masu­werteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-16-25-28-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatu­tuwa ang ka­palaran mo ngayon dahil ang mga inimbento mong istorya ay paniniwalaan ng iba. Ang nakagugulat pa rito, madaragdagan ang mga buwenas mo. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-6-11-17-28-30-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lalakas at hi­hina ang agos ng alon sa da­lampasigan. Parang pang­karaniwan lang na pang­yayari, pero ito ay nagsa­sabing papaganda nang papaganda ang iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-9-10-13-21-25-39.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.