3 girl scouts patay sa killer truck
PATAY ang tatlong girl scouts matapos masagasaan ng pick-up truck habang nangongolekta ng basura sa highway ng Lake Hallie, Wisconsin sa Amerika.
Ayon sa awtoridad, may isa pang nasawi at isa namang kritikal matapos ang insidente.
Ang mga biktima ay miyembro ng Troop 3055 at Grade 4 students sa Halmstad Elementary School.
Ani Girl Scout of U.S.A. Sylvia Acevedo, labis silang nalulungkot sa nangyari.
Ayon sa ulat, tumakas pa ang driver ng trak ngunit, sumuko rin sa mga awtoridad.





Comments