Search
  • Jersey Sanchez

Security operations, 19 todas

LABINGSIYAM ang nasawi kabilang ang Egyptian security forces at militante na responsable umano sa pag-atake sa Christians sa probinsiya ng Minya sa central Egypt.

Sa pahayag ng interior ministry, napaslang ng security forces ang mga suspek sa isang sagupaan matapos ang naganap na habulan sa isang bahagi ng disyerto na nasa kanluran ng Minya governorate.

Dagdag pa nito, nagtatago sa tropa ng pamahalaan ang mga suspek nang matukoy ng awtoridad ang kanilang pinagtataguan.

Inako ng Islamic State ang responsibilidad sa nangyaring pagsalakay sa Minya kung saan pito katao ang nasawi.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.