Search
  • BULGAR

P25 dagdag-sahod, aprub na!

PORMAL nang inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang P25 dagdag-sahod sa minimum wage earners sa National Capital Region (NCR).

Magiging epektibo ang nasabing umento, 15-araw matapos maisapubliko ang kautusan.

Kaya aabot na sa P537 kada araw ang maaaring maiuwi ng mga manggagawa.

Samantala, ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), kung tataasan pa ang dagdag-sahod ay maaari itong lalong makaapekto sa taas-presyo.

Maaari rin umanong magresulta ng tanggalan sa trabaho.

Tulad ng mga nakaraang reaksiyon ng iba tuwing may pagtaas sa sahod kahit sinasabing kakarampot, eh, puwede na ‘yan kesa wala.

Kaugnay nito, ang sigaw ng mga nasa probinsiya, “paano naman kami?”

Sila rin ay apektado ng taas-presyo.

Sila na mga manggagawa na sinalanta ng bagyo, lindol at landslide. Sila na hanggang ngayon ay nangangamuhan, nag-aalay ng dugo’t pawis sa lupang hindi nila pag-aari at nagtitiis sa minsan sa isang buwan na makahawak ng pera na mapupunta lang sa utang.

Hindi maitatanggi na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagsisiksikan sa Metro Manila.

Nakikita nila na mas malaki ang suweldo rito at mas maraming oportunidad.

Gayunman, kung bubuksan lang sana ng gobyerno ang maraming pagkakataon at pantay na pagtingin sa lahat ng manggagawa sa bansa, maaaring pare-parehong guminhawa.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.