Search
  • BULGAR

NAGHARI ANG GO-FOR-GOLD PINOY CYCLIST SA TOUR DE LINGGARJATI

PAREHAS na nagtagumpay ang mga sprint specialist na sina Jonel Carcueva at junior cycling ace Rex Luis Krog ng Go-for-Gold Philippines sa pahirapang ruta sa Tour de Linggarjati.

Nakakuha ng lakas si Carcueva mula sa suporta ng Go-For-Gold teammates kung kaya naghari siya sa men’s elite category sa tatlong araw na karera na idinaos sa West Java, Indonesia.

Sumegunda puwesto ang 24-anyos na Cebuano sa road race at tiniyak na ang kadikit niyang karibal ay hindi makasasagabal sa kanyang pakay na criterium event makaraang tumersera sa 9.8-kilometer individual time trial at iuwi sa bansa ang general classification title.

Si Matej Drivonec ng Slovenia, na nanguna sa 119.60-kilometer road race ay pumangalawa sa GC makaraan ang makasabog-bagang resulta sa ITT, habang si Nex CNN teammate Robert Muller ng Germany ay nagtapos na third overall. “I’m very proud of our team. Even though we are still a young squad and have plenty of things to improve on, they have proven that Filipino cyclists can win in big races overseas,’’ ayon kay Go For Gold Philippines godfather Jeremy Go.

Bukod kay Carcueva na umangat para sa unang first international race ay sina Go For Gold’s Ronnilan Quita (4th overall), Ismael Grospe (7th), Ronnel Hualda (13th), Jericho Jay Lucero (16th) at Elmer Navarro (18th). “This is Jonel’s first GC (win). We have seen the potential in him as early as 2015 andjoined the Go For Gold program more than two years ago,’’ ani Go For Gold project director Ednalyn Hualda.

Nang makuha ni Carcueva ang breakthrough sa unang GC, nagtagumpay ang 18-anyos na si Krog sa junior division ng three-day international bikathon tatlong linggo matapos na maghari sa elite race ng four-stage Tour of Matabungkay. Binigo ng tanging Pinoy na kalahok sa may 35 riders ni Krog ang Indonesians na sina Ahmad Yoga Ilham Firdaus at Angga Dwi Wahyu Prahesta nang mangibabaw sa road race at sumegunda sa ITT sa likod ni Firdaus.

Impresibong tinalo ni Krog si Firdaus sa papainit na ruta matapos na parehong maorasan ng one hour at 51 minutes sa makasabog bagang 65.30km road race at mkaraan ay ang Pinoy rider na ang nauna sa Indonesian foe sa criterium finale. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.