top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 6, 2018 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 6, 2018 (Martes): Kikilos ang kapalaran mo ngayon upang gumanda ang iyong buhay. Kaya kahit may mga pagkaka­taong namamali ka ng desisyon, gaganda pa rin ang buhay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung sino ang nagpapasaya sa iyo, siya mis­mo ang suwerte mo. Mas makabubuti kung mapa­sasaya mo rin siya nang sa gayun ay palagi kang susuwertehin. Masu­wer­teng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-23-29-34-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ka, tanggapin mo ‘yun. Hu­wag kang tumulad sa iba na pilit na itinatago kung sino talaga sila. Sa ganito, matutuwa sa iyo ang la­ngit at pagkakalooban ka Niya ng nakagugulat na mga suwerte. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-25-36-45-46.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagkukulang ang nagbaba­was, kaya inga­tan mo ang magbawas ng mga taong nagbibigay sa iyo ng saya at sigla. Ito ang mensahe ng iyong ka­pa­laran ngayon. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-19-21-23-38.

CANCER (June 21- July 22) - Pabigla-bigla ang pag­lakas ng iyong likas na gayuma. Ang ma­sayang balita ay nagsasa­bing lalo pang gaganda ang iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-22-23-28-34-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hin­di tinatamaan ang mga wala sa konsentra­siyon. Ituon mo ang lahat ng kakayahan mo sa mga bagay na mayroon kang mapakikinabangan. Ito ang susi mo sa pagpapa­yaman. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-16-18-20-28-31-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pinalalagpas mo ang ma­gagandang opor­tunidad dahil ina­kala mo na mahina ka at hindi mo kakayaning mag-isa na solusyunan ang mga dinaranas mong problema. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-13-27-33-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang mag-atubili na tanggapin ang bagay na alam mong may mapakikinabangan ka. Ang kabagalan ay kadalasang katumbas ng pinanghihinayangan. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-16-29-30-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong tingnan ang hindi ma­gagandang katangian ng isang tao dahil lahat na­man tayo ay may kahina­an. Ang bigyan mo ng ha­laga ay ang maibibigay niya sa buhay mo. Masu­werteng kulay-black. Tips sa lotto-4-14-15-26-27-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sukatin mo ang iyong kaharap, hu­wag kang magtiwala sa mga naririnig mo. Ang dagdag na payo ay pag-aralan mong mabuti. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-7-10-13-16-21-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka madada­lian, ‘yun ang piliin mo. Sobrang dami ng mga pagsubok na ki­nahaharap mo ngayon kaya wala nang puwang upang madagdagan pa ang mga pasanin mo sa buhay. Masuwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-3-19-20-24-31-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Matata­ngay ka nang mabibilis na pangyayari. Ang masa­yang balita ay nagsasa­bing, masusumpungan mo na ang tunay mong ka­ligayahan. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-16-19-21-28-30-43.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga mapag­kunwari dahil wala kang magandang ma­kukuha mula sa ka­nila. Ma­aari ka pang ma­hawa at sa huli ay mawa­wala ang mahahalagang tao sa bu­hay mo. Masu­wer­teng ku­lay-brown. Tips sa lotto-15-16-17-25-26-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page