Search
  • Jersey Sanchez

17 tigok sa pagbaha

UMABOT na sa 17 katao ang naitalang nasawi dahil sa hindi magandang la­gay ng panahon at pagbaha sa Italy.

Nagtamo ng malaking pinsala ang ilang bahagi ng Italy dahil sa malakas na pag-ulan at hagupit ng hangin. Ito na umano ang pinakamalalang pagbaha sa Venice sa loob ng isang dekada.

Hindi rin nakaligtas sa masamang panahon ang mga kagubatan kasama na ang “Violin Forest” sa lakas ng hangin na umabot sa 190 kph.

Ayon sa pangulo ng Veneto Regional Council na si Roberto Ciambetti, nasa 300,000 na ang natumbang puno sa Val d’Assa sa Asiago Plateau.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.