Search
  • No Problem

Para sa mga #adulting diyan, read n’yo to, dali! TIPS PARA SA MATALINONG PAGDEDESISYON, ALAMIN!

TAKOT ka bang magdesisyon, besh, lalo na ngayong adulting is life ka na? Huwag kang mag-alala dahil narito ang ilang tips upang dehins kayo kabahan o matakot na magdesisyon para sa maraming bagay.

1. LEARN FROM EXPERIENCE. ‘Ika nga ng iba ang mga karanasan ang pinaka­magandang paraan kung bakit marami tayong natututunan sa buhay. Kaya kung haharap tayo sa isang problema, maganda kung isasaalang-alang natin ang ating experience bago tayo magkaroon ng pinal na desisyon.

2. HAVE OPTIONS. Sa lahat ng aspeto ng buhay, hindi pupuwedeng iisa lang ang choice natin. Mainam kung marami tayong options sa buhay nang sa gayun ay hindi tayo magsisi o magkamali sa huli.

3. GET OTHERS PERSPECTIVES. Kung dehins na talaga kayang mag-isa sa pagdedesisyon, dapat ay mayroon tayong malalapitang kaibigan o kapamilya na mahihingian natin ng tulong, lalo na kung seryosong bagay na ang pinag-uusapan.

4. KNOW THE CONTEXT. Alamin mo, beshy, kung ano ba ang problema at magiging epekto ng pagdedesisyon mo sa iyong buhay at maging sa ibang tao.

5. EXPERIMENT. Walang masama kung magte-take tayo ng risk sa pagpili ng desisyon sa buhay dahil maaaring ang desisyon ng iba ay hindi umubra para sa atin dahil ang bawat tao ay may kani-kanyang pormula kung paano magiging maunlad kaya ang mahalaga ay ma-discover natin ito.

6. ASSUME ITS WRONG. May mga desisyon na dapat nating isiping mali nang sa gayun ay hindi ito ang piliin natin sa bandang huli. Halimbawa rito ang pamimili ng mga bagay na hindi naman natin kailangan. Lalo na ngayong ang mas dapat nating pagtuunan ng pansin ay ang ating mga pangangailangan.

7. DO NOT SEEK PERFECTION. Iwasan natin ang pagiging perfectionist, besh, dahil baka ang kaugaliang ito pa ang magbibigay sa atin ng sama ng loob at problema.

8. REMAIN SKEPTICAL. Hindi masama na nagdududa rin tayo paminsan-minsan dahil makatutulong ito upang tayo ay makapagdesisyon sa matalinong pamamaraan.

Oh, ayan, mga beshy, decide wisely! Copy? He-he-he!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.