top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Malinaw ayon sa palad...BABAENG NAKATAKDANG HIWALAYAN ANG KASALUKUYANG KARELASYON

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 4, 2018
2 min read

KATANUNGAN

1. Dati akong nagdya-Japan at nakapag-asawa ng isang matandang la­laki na hiwalay sa asawa, pero mayroon na siyang tatlong anak.

2. Ang problema, nakatira ako sa kanila pero hindi kami magka­sundo ng mga anak niya. Gusto ko nang bumukod, pero ayaw ng mister ko kaya ngayon ay hindi na ako masaya sa pagsa­sama namin.

3. Ang tanong ko, mag­­­hihiwalay kaya kami? Kasi naiisip ko kapag hindi ako ibinukod ng bahay ng mister ko sa kanyang mga anak, ka­hit sabihin pang siya ang nagpapalamon sa akin at gumagastos sa mga kailangan ko sa buhay ay lala­yasan ko talaga siya. Hindi ko na kasi kaya ang ugali ng mga anak niya na palaging kon­tra­bida sa buhay ko at mga hindi marunong gu­ma­lang.

4. At kung sakaling makikipaghiwalay na ako sa asawa ko, may ika­lawang pag-aasawa pa ka­yang mangyayari sa akin at kung maka­pag-a­asawa pa akong muli, mag­kakaanak na kaya ako at makarara­nas pa kaya ng isang ma­ligaya at panghabambu­hay na pamilya?

KASAGUTAN

1. Walang duda, sa ma­lapit na hinaharap ay tuluyan na nga ka­yong magkakahiwalay ng lan­das ng kasalu­kuyan mong asawa. Ito ang nais sa­bihin ng na­biyak na unang Mar­riage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na darating ang araw na hindi na nga mapipigil pa ang pagsabog ng iyong hinanakit sa iyong puso hanggang sa tuluyan mo ng layasan, awayin at iwanan ang asawa mo at ang mga anak niya.

2. Makalipas ang ilang panahon, masaya pa rin ang mangyayari, kusa namang matutupad ang ikalawang mas malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at ka­nan mong palad na nag­papahiwatig na sa ika­lawang pakikipagre­las­yon ay tiyak na ang maga­ganap, bukod sa magka­ka­anak ka na (1-C arrow c.), may bonus pang ikala­wang pag-aasawa at ha­bambuhay ka ng magi­ging maligaya hatid ng isang lalaking isinilang sa pet­sang 7 o kaya ay 16.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Evelyn, tiyak ang magaganap, sa pag­bungad ng taong 2019, tu­luyan na kayong mag­ka­kahiwalay ng iyong asawa upang sa ikala­wang pag-aasawa hatid ng isang la­laking nagta­taglay ng ini­tials na J.M., tulad ng na­sabi na, maka­susum­pong ka ng isang panatag, ma­saya at pang­habam­bu­hay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page