Search
  • BULGAR

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 4, 2018 (Linggo)

Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 4, 2018 (Linggo): Unahin mo ang iyong sa­ri­ling kapakanan at pag­ka­tapos ay saka mo isu­nod ang mga mahal mo sa bu­hay. Ito ang tamang por­mula sa tagumpay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bakit mo pa­pansinin ang mga alam mong mahirap makaunawa? Lu­­m­ayo ka muna sa mga ga­nitong klase ng tao dahil maaapektuhan lang nila ang pag-abot mo sa iyong mga pangarap. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-20-24-39-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gawin mo na ang naudlot mong mga pla­no. Sa ngayon, kahit pa marami ang magsikontra sa iyo, wala na silang maga­gawa dahil aayon sa gusto mo ang mga mangyayari. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-12-28-31-33-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Malalagpasan mo ang mga pagsubok sa iyong harapan. Mas mabi­gat at mas mahirap na pag­subok ang iyong natalo sa nagdaan. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-23-25-36-43.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag mong hanapin ang wala. Bigyan mo ng halaga ang mga tao sa buhay mo dahil sila ang makatutulong sa iyo sa mga bagay na hindi mo kakayanin. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-16-19-21-28-30-31.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ka­pag mabigat, kailangan mong humi­ngi ng tu­long. Huwag kang mahiya sa mga malalapit sa iyo na puwedeng umalalay sa ma­bibigat na hamon ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-5-16-22-29-32-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Langit ang mis­mong gagawa ng paraan upang maging madali ang iyong pag-asenso. Ito ay dahil nakita Niyang hindi ka makakilos sa sobrang dami ng iniisip mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-8-10-13-28-35-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumayo ka sa mga hindi mo kursuna­da. Ba­guhin mo ang dati mong nakasanayan na hin­di mo sila iniintindi, pero hindi ka naman lu­malayo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-29-31-42-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang umiwas sa mga taong gustong dumikit sa iyo. Dahil ang misyon nila ay lihim na iniutos ng langit upang mapagaan ang iyong mga pasanin. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-24-26-34-37-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi na­man mahirap ang gusto mong mangyari. Sa biglang ti­ngin, parang hindi mo ka­­kayaning matapos ito ka­agad. Pero, kapag ito ay nasimulan mo na, mas ma­bilis mo na itong maga­gawa. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-9-11-15-21-26-30.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatu­tuwa ang ka­palaran mo ngayon dahil ang ayaw na ayaw mo ay siya pang pag­mumulan ng mga suwerte mo, kaya ipipilit ng langit na siya ay magustuhan mo na rin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-15-17-20-24-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis kang maka­pa­pasok sa isang sitwasyon na sa tingin ng marami ay hindi dapat na mangyari. Sa huli, sasa­ludo sila sa iyo dahil mas ma­pagaganda pala nito ang iyong kalagayan. Ma­suwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-17-22-27-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bumabalik ang pinaaalis dahil hina­ha­nap-hanap ito ng nagpa­alis. Ito mismo ang mara­ra­nasan mo ngayon at sa ilan pang mga araw na darating dahil babalik sa iyo ang iyong pinaalis. Ma­suwerteng ku­lay-peach. Tips sa lotto-28-29-31-36-39-44.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.